NORTH COTABATO – AABOT sa 19 turista ang nag-swimming sa pamosong Asik-Asik Falls at nasugatan makaraang mahulog ang sinasakyan sport utility vehicle (SUV) sa malalim na bangin sa gilid ng provincial road sa Camp Paulino Santos, Barangay Dado sa bayan ng Alamada, kamakalawa ng umaga.
Kabilang sa mga biktimang naisugod sa Alamada Community Hospital ay sina Romeo Arlan, 61; Candia Keriah Charisse, 8; Candia Ziah Xyrose, 6; Candia Norman 34; Candia Joanna 29; Tutor Antonio, 52; Tutor Azil Anne Tori, 22; Tutor Anton Van, 18; Tutor Anna Liza, 48; at maraming iba pa na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.
Kritikal naman ang driver ng SUV na si Arlan Vic Kristofer Billena, 29, ng Jade Valley Homes, Davao City.
Ayon sa ulat, pauwi na sana sa Davao City ang mga biktima mula sa paliligo sa Asik-Asik Falls nang magkaaberya ang makina ng van at mawalan ng preno bago nahulog sa matarik na bangin.
Namataan naman ng ilang residente at motorista ang naganap na sakuna kaya tumulong na maiahon at naisugod sa pagamutan ang mga biktima. MHAR BASCO
Comments are closed.