SUWELDO NG KAWANI NG PASIG CITY HALL TATAASAN

Vico Sotto

PAGPASOK ng  taong 2021 masayang sasalubungin ng may  4,339 casual employees ang matagal na nilang mi­nimithi na pagtaas ng kanilang mga suweldo.

Sa isang facebook post, inihayag ni Mayor Vico Sotto na ang casual employees ay makatatanggap na ng P13,572 kada buwan mula sa dating P11,551.

Paliwanag ni Sotto, mahaba at madugo ang proseso ng pagpapataas ng antas ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Aniya, ang pagbibigay ng dignidad at seguridad ay isang mahalagang bahagi nito.

Plano rin ng lokal na pamahalaan ang regularisasyon ng 617  contractual  employee na nagsilbi nang  15 taon  pataas dahil batid din naman nito ang damdamin ng bawat isa lalo’t higit ang matagal nang naninilbihan sa nasabing Lungsod.

Aniya, kailangang strategic ang pagsasagawa nito.

Kabilang din sa mga plano ng Pasig LGU ang capacity development at fully merit-based system.

Nais ng lokal na pamahalaan na nakangiti at walang nakasimangot na kawani ng gobyerno. ELMA MORALES

Comments are closed.