SUWELDO NG KAWANI SA MUNTINLUPA

TUNAY na suweldo na nga lamang ng mga kawani ng pamahalaan ang inaasahan tuwing kinsenas at katapusan gayong babawasan pa.

Ito ang naging kontrobersiya kamakailan sa Muntinlupa nang akusahan si Muntinlupa Vice Mayor Temmy Simundac na binabawasan nito ang suweldo ng kanyang mga kawani.

Kung ito’y totoo, aba’y nakalulungkot naman ang balitang ito sapagkat pinagtrabahuhan naman ng mga kawani ito ngunit hindi ibinibigay.

Ngunit ang totoo pala, walang kaalam-alam ang Vice Mayor sapagkat aniya’y bakit naman niya gagawin ang mga bagay na ‘yun sa kanyang mga empleado.

Aysus, kaya naman pala, mayroong nagkalat ng isyung ito dahilan sa kanyang napag-alaman na mayroon siyang empleado na nagpapautang at parang ‘di sila nagkaintindihan ng isang empleyado na nangutang dito.

Mukhang hindi ata nagkasundo ang umutang at inutangan. Hindi ko lang maintindihan bakit nasangkot ang isang attorney sa nasabing utangan.

Sabi ni Ronnie nang makakwentuhan ng Kaliwa’t Kanan, isang malapit kay Simundac, “naku, sobrang matulungin ng vice mayor na ‘yan at hindi ‘yan makakailang term kung panay kalokohan ang pinaggagawa.

Kahit ipagtanong n’yo pa ‘yan sa City Hall maganda ang kanyang track record bilang vice mayor. Kaya hindi totoong binabawasan niya ang suweldo ng kanyang mga kawani.

Hindi naman daw pinansin ni Vice Mayor ang nasabing alegasyon sapagkat nakatuon ang kanyang pansin sa mga programa at pagtulong sa alkalde ng lungsod.

Tinutulungan din talaga niya ang kanyang Mayor sa pagpapaunlad sa Muntinlupa at hindi nito sinasagkaan ang mga alam niyang malaki ang maitutulong sa mga mamamayan.

Tulad na lamang nitong Sustainable Agriculture Program ng SM Supermalls na KSK (Kabalikat sa Kabuhayan), layunin ng SM Supermalls ang makatulong sa ating mga kababayang sa pamamagitan ng livelihood opportunities, food security and market linkages.

Hindi lamang tungkol sa kabuhayan ang kanilang binibigyang-pansin sapagkat magkatuwang pala sila ng Mayor na pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga constituent.

Nagkaroon sila ng mga pagsasanay kung saan ang layunin nito ay para magbigay ng karagdagang kaalaman sa cervical cancer prevention para sa mga health care professional: trainers, mentors at supervisors na magagamit nila sa clinical at community settings.

Isa sa 7k agenda ni Mayor Ruffy Biazon ang pagpapaigting ng mga programa para sa kalusugan. Sa pamamagitan ng JHPIEGO at City Health Office, lalong-lalo na sa dedikasyon ng mga lumahok sa pagsasanay na ito, tuloy-tuloy ang progreso para sa kalusugan ng mga kababayang Muntilupenyo.

Sabi nga ni Ronnie, pinatulan daw talaga ng mga walang magawa ang nasabing isyu ng pagbabawas ng suweldo gayong ang lahat ay pawang kasinungalinan at gawa-gawa lamang.