ANG pagkokondisyon ay 365 na araw kada tao kaya kinakailangan isang beses sa isang linggo tayo nag-spar o bumitaw para matanim sa kanilang instinct kung paano makipaglaban.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, ang manok kapag walang training ay nabibingi at nakakalimutan nang pumalo.
“Huwag ibitaw ang manok na payat at mahina ang katawan kasi matututo itong sumuot sa ilalim ng kalaban kasi ang tendency niya ay yumuko nang yumuko kasi nga hindi kaya ng katawan niya ang makipaglaban. Naitatanim po iyon sa kanyang isipan,” ang sabi ni Doc Marvin.
“Pare-parehas lang po na manok at bloodline ‘yan na kapag tinamaan ng tari sa kalinisan ay gagapang at gagapang ‘yan sa harapan mo kaya magka-katalo na lamang po sa pulso at pakiramdam kung paano mo inalagaan,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Doc Marvin, ang mga manok natin ay territorial in nature, ang gusto nila lahat ng naaabot ng tingin nila ay sila ang hari, ibig sabihin, lahat ng nasa paligid niya ay pag-aari niya, samakatuwid ito ay kanyang kaharian.
“Everytime na hahawakan mo siya, dapat ikaw ay nasa kanyang likuran, sa tali muna tapos sa ilalim ng katawan hindi po sa buntot, dinadakot kasi masakit po iyon at para maiwasan na siya ay maging nerbiyoso at manfighter o salbahe,” payo niya.
“Kapag naghahari-harian ay ayaw mo na may nakaharang sa iyong harapan! Palagi pong mag-ingat sa pagmamanok. Huwag na huwag mo siyang bibigyan ng dahilan na ipatalo ka! Kung ano alaga mo sa manok mo ay ‘yun lang din ang ibibigay niya sa iyo!” dagdag pa niya.
Sa panahon naman ng “keep”, dapat, aniya, na metikuloso tayo kaya yung last 7 days before ng laban, diyan na dapat ang start ng muscle toning at mag-iipon ng lakas kaya dapat palaging malinis kasi ang manok tuka nang tuka ‘yan ng colorful na bagay na ito, kalimitan ay nagiging dahilan para siya ay hindi magtunaw.
“’Yung pinaghirapan mo from day 1 pagkapisa ng itlog hanggang 3-4 years or more ay puwede masira sa isang iglap lamang. Isang pagkakamali iyon ang siguradong katalo!” ani Doc Marvin.
Aniya, hindi kusang dumarating ang suwerte o buenas, ang importante una sa lahat ay ‘yung abilidad at galing ng manok kasi iyon lang ang malapit sa suwerte. Ang suwerte na tinatawag sa sabong ay ginagawa po ‘yan.
Comments are closed.