SUZARA NAHALAL NA FIVB EXECUTIVE VICE PRESIDENT

NAHALAL si Ramon “Tats” Suzara bilang presidente ng Asian Volleyball Confederation (AVC) noon lamang September at noon lamang weekend ay hinirang na executive vice president (EVP) ng world body ng sports, ang International Volleyball Federation o FIVB.

“It’s a great distinction and honor to be named as executive vice president of the FIVB because it will give Philippine volleyball great opportunities ahead,” sabi ni Suzara, na gagampanan ang tungkulin sa ilalim ni Fabio Azevedo ng Brazil, na nahalal na bagong presidente ng FIVB sa 39th General Assembly and Elections nito noong nakaraang linggo sa Porto, Portugal.

“Not only will our national teams benefit, but the entire Philippine volleyball,” ani Suzara. “We are very thankful to the FIVB, former president Dr. Ary Graça, and new president Fabio Azevedo for trusting me as new FIVB executive vice president.”

Si Suzara ay magsisilbing EVP sa loob ng apat na taon kung saan gagampanan din niya ang kanyang mga responsibilidad bilang AVC head at presidente ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

Sinamahan siya sa congress nina PNVF vice president Ricky Palou, secretary-general Donaldo “Don” Caringal at director Tonyboy Liao in Porto.

Iprinisinta ni Suzara sa mahigit 200 miyembro ng FIVB ang komprehensibong preview sa una at solo hosting ng bansa sa FIVB Men’s World Championship mula September 12 hanggang 28 sa susunod na taon.