Swab test palalakasin

INATASAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang mga local government units sa buong bansa na ipatupad ang COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mobilization sa Barangay Health Emergency Response Teams.

Sa ilalim ng binalangkas na panununtunan, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay titiyaking ang lahat ng pinagsususpetsahang infected ng COVID-19 ay dapat isailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) at ibukod sa loob ng 24 oras makaraan ang detection.

Kailangan ding matukoy ang mga taong nakahalubilo ng COVID-19 infected sa loob ng isang araw.
Dahil dito, pakikulusin ng IATF-MEID ang mga barangay official at personnel nito na siyang pangunahing gagabay sa kanilang nasasakupan.

Muli ring iginiit ng IATF sa publiko na laging magsuot ng face masks at face shields gayundin ang madalas na paghuhugas ng kamay, mag-obserba ng social distancing at manatili lamang sa mga lugar na may proper ventilation.

Samantala, sinabi rin ni Roque na dahil sa pagtaas muli ng kada araw sa COVID-19 ay istriktong ipagagamit na ang StaySafe app para sa maayos at mabilis na contact tracing sa mga taong na-expose sa tinamaan ng COVID-19.

Una nang hindi nagamit ang nasabing apps dahil kinakitaan ng minimal glitch pero ayon kay Roque ay naayos na ito.

“There’s no problem anymore with StaySafe. As of yesterday, all the hitches have been settled. The full implementation of StaySafe app is within 10 days,” ayon pa rito. EVELYN QUIROZ

One thought on “Swab test palalakasin”

Comments are closed.