TATAPUSIN na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagsasagawa ng swab testing sa 2,000 indibidwal na kinabibilangan ng mga empleyado, security guard, stall owner at helper sa Pasay City Public Market (PCPM).
Ang pagsasagawa ng swab testing sa mga nabanggit na indibidwal ay bunsod sa kautusan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na abisuhan ang mga ito na magtungo sa SM Mall of Asia (MoA) Mega Swabbing Center upang masigurong ligtas ang mga pumupuntang mamimili sa naturang palengke.
Ayon sa alkalde, sa isinagawang swab testing sa 90 empleyado ng PCPM noong nakaraang Marso 11 ay wala kahit isa sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 habang sa 22 security guards na sumailalim din sa parehong test, isa lang ang nakumpirmang nagpositibo.
Sa isinagawang swab testing naman sa 320 PCPM stall owners/helpers noong nakaraang Sabado (Marso 13), anim sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 na sa kasalukuyan ay naisailalim na sa quarantine.
Sumailalim naman kahapon (Marso 15) ang 570 stall owners/vendors at kanilang mga helper o pahinante sa mass swab testing at dinala sa SM MOA facility ng isang shuttle bus na inihanda ng pamahalaang lungsod.
Nagsasagawa rin ng disinfection tatlong beses sa isang araw at tuwing Miyerkules naman ay isang malawakang flushing sa PCPM. MARIVIC FERNANDEZ
366195 728647I actually like your writing style, amazing info, thankyou for posting : D. 325071