SWAB TESTING SA 331 VENDORS SA PASAY

SWAB TEST

IPINAG-UTOS ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagsasagawa ng swab testing sa 331 vendors sa Malibay Market upang masigurong COVID-19  free ang mga ito.

Nais ni  Calixto-Rubiano na ang lahat ng mga vendors sa lungsod ay walang COVID-19 upang makaiwas sa hawahan hindi lamang ang mga ito kundi pati na rin sa mga mamimili sa nabanggit na palengke.

Nauna rito, ipinatigil ng dalawang araw ng alakde ang operasyon ng Pasay City Public Market noong Setyembre 4 at 5 makaraang sumailalim sa swab tes­ting ang 1,400 vendors at helpers nito na kung saan ay 100 tindera ang nagpositibo sa COVID-19.

Agad naman na dinala ang 100 market vendors at helpers sa isolation facility ng lungsod upang sumailalim sa quarantine at magpagaling kasabay ng pamamahagi ng food packs sa mga ito.

Sa pagsasara ng dalawang araw ng pampublikong palengke ng lungsod, inatasan din ni Calixto-Rubiano ang City Environment and Natural Resource (CENRO) na nagsagawa ng sanitation at disinfection sa naturang palengke. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.