SWAB TESTING SA DOH -CALABARZON EMPLOYEES

swab test

IPINASAILALIM ni Department of Health (DOH) – Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) swab testing ang lahat ng empleyado nito upang ma-monitor at maagapang malunasan ang sinumang mapapatunayang positibo sa karamdaman.

“Although it is not a requirement for employees to get tested, it is important for them to be aware of their health status. We have to provide them every protection they need, especially now that COVID-19 cases continuous to rise,”  paliwanag ni Regional Director Dr. Eduardo Janairo. “This time of pandemic hindi ka nakakasiguro na hindi ka tatamaan lalo na sa mga empleyadong nagko-commute papasok sa opisina. Lahat sila expose sa hindi nakikitang virus. That is why everyone MUST take necessary precaution in order not to be infected.”

“This test will ensure early detection of cases kung meron mang mag-positive at timely isolation para maiwasan pa ang pagkalat nito. We also have isolation facilities for employees of the region who will be found out to be positive with the CO­VID-19 virus,” aniya pa.

Kaugnay nito, pi­nayuhan ni Janairo ang publiko na tiyaking nakapagsasagawa sila ng ‘personal preventive measures’ upang makaiwas sa virus gaya ng physical/social distancing, proper hand washing at cough etiquette, na siya pa rin aniyang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Mahalaga rin  na  palakasin ang resistensiya ng bawat isa para malabanan ang anumang karamdaman.

“Importante na palakasin natin ang a­ting pangangatawan pati na ang kaisipan upang malabanan ang anumang sakit na maaring makaapekto sa ating kalusugan,” dagdag pa ni Janairo.

Ilan sa mga sintomas ng sakit na dapat banta­yan ng mga mamamayan ay ang pagkakaroon ng lagnat, tuyong ubo, pagkapagal at pagkawala ng pang-amoy at panlasa.

Maaari rin aniyang makaranas ng pananakit ng katawan, baradong i­long, tumutulong sipon, pananakit ng lalamunan at diarrhea.

Nabatid na sa Calabarzon ay nasa 5,574 katao na ang dinapuan ng virus hanggang nitong Hulyo 20, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.