MAGING presentable at komportable, iyan ang dalawang dapat nating isaisip sa tuwing pipili o bibili tayo ng outfit. Hindi nga naman sapat na maganda ang isang outfit. Kailangang presentable ito at higit sa lahat ay komportable tayo kapag suot-suot natin.
Sa panahon ngayon, napakaraming outfit ang puwede nating pagpilian. Iba’t ibang design. Iba’t ibang kulay. Iba’t ibang yari.
Pero hindi lamang outfit ang kailangang maging presentable at komportable kundi maging ang sapatos na ating bibilhin o pipiliin.
Marami sa atin ang hirap na hirap ang pumili ng swak na sapatos lalo na kung may okasyong pupun-tahan o dadaluhan.
Kagaya ng bawat dress, skirt o pants, may mga sapatos na magandang tingnan pero kapag isinuot ay hindi na ito kaibig-ibig o hindi bagay sa ating paa.
Hindi rin naman kasi basta-basta ang pagpili ng sapatos. Kailangang bumagay ito sa iyong personalidad, sa iyong outfit at higit sa lahat, sa okasyong pupuntahan.
At dahil nga isa sa mahirap gawin ang pagpili ng sapatos, narito ang ilang tips na maaaring isaalang-alang nang mapili ang swak na sapatos:
SWAK SA OKASYON
Marami sa atin na kapag may nagustuhang sapatos, binibili kaagad kahit na wala namang okasyon. Ma-ganda rin naman kasing may nakahanda tayo nang kailanganin man ay may magagamit. Ngunit may ilan na hindi gaanong bumibili ng sapatos. Kumbaga, kung may isa o dalawang pares sila ng sapatos, okay na sa kanila.
Gayunpaman, tandaan na sa tuwing bibili ng sapatos, kailangang swak ito sa okasyon. Kung matagal kayong nakatayo o magla-lakad, siguraduhing ang bibilhing sapatos ay komportable. Puwedeng flat o kaya naman wedge para maging komportable. Sig-uraduhing magandang klase ang sapatos na bibilhin.
SWAK NA SIZE
Mayroong iba’t ibang size ang sapatos. Iba’t iba rin ang size ng paa ng bawat indibiduwal. Kung minsan, hindi fit ang sapatos sa size ng ating paa.
Gayunpaman, siguraduhin pa ring sa pagbili ng sapatos, swak ang size nito nang hindi ka magkapaltos o mahirapan kapag suot mo na ito.
Tandaan din na ang bawat sapatos ay nag-e-expand o lumalaki habang tumatagal na ginagamit. Mas maganda rin ang pagbili ng sapatos sa tanghali o hapon. Sa ganitong mga oras kasi ay nag-e-expand ang ating paa kaya’t masisiguro mong swak ang size na iyong mabibili.
Siguraduhin ding swak o tama ang porma ng sapatos sa porma ng iyong paa. May mga paa rin kasing malapad at mayroon na-mang hindi.
PILIIN ANG SWAK NA HEELS
May iba’t ibang klase ng heels ang bawat sapatos. Maganda ang pagsusuot ng sapatos na may takong dahil bukod sa nakadaragdag ito ng tangkad, nakapagbibigay din ito sa atin ng magandang tindig at ka-ragdagang tiwala sa sarili.
Ngunit nakahihina at nakasasakit ng tuhod ang mga sapatos na sobra ang taas ng takong. Kaya naman, kung gusto ng may ta-kong na sapatos, piliin ang saktong taas ng takong. Dapat din ay komportable ka kapag suot ito.
Sukatin din muna ang bibilhing sapatos at subukang maglakad-lakad nang masigurong sakto ang size nito at hindi masakit sa paa.
HUWAG MAGMADALI SA PAGPILI NG SAPATOS
Sa pagbili rin ng sapatos, importanteng napag-iisipan itong mabuti. Hindi porke’t gusto mo na ang style at kulay nito ay bibilhin na kaagad. Pag-isipan pa ring mabuti kung ito na nga ba ang sapatos na gusto mong bilhin.
Hindi sapat na swak ang kulay, style at size. Kailangang gusto mo ang iyong bibilhin nang hindi ka mag-sisi at ma-enjoy mo itong gamitin.
Huwag ding magmadali sa pagbili ng sapatos, Tingnan munang mabuti ang lahat ng design o klase ng sapatos na mayroon ang pinuntahang store o tindahan saka magdesisyon.
PILIIN ANG FLAT SHOES HANGGA’T MAAARI
Kung puwede namang flat ang sapatos na bibilhin, flat na lang kaysa ang may takong. Mas komportable rin kasi ang flat na sapatos o sandals.
Marami na rin itong design at style na swak sa bawat okasyon.
Maiiwasan din ang pagkakaroon ng strain kung flat ang gagamiting sapatos.
May iba’t ibang klase nga naman ng sapatos na puwede nating pagpilian.
Basta’t hindi lamang ganda ang kailangang isipin sa pagbili ng sapatos kundi maging ang kapakina-bangan nito at ang pagiging komportable kapag suot ito.
Kung hindi naman sigurado sa klase ng sapatos na bibilhin, maaaring humingi ng tulong sa mga kakilala, kaibigan o kamag-anak. O kaya naman sa salesperson. (photos mula sa shoezone.com at health.harvard.edu)
Comments are closed.