SWAT PERSONNEL IPINOSTE SA PALIBOT NG UST

SWAT-2

MAYNILA – UPANG matiyak na ligtas ang kumukuha ng bar examination, naglagay na ng command post at nagpadala na rin ng kanilang SWAT personnel ang Manila Police District (MPD) sa palibot ng University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc district.

Sa tweet ng Public Information Office ng Supreme Court, nakapuwesto ang mga police personnel sa kanilang mga command post sa España Boulevard sa Manila sa harap ng UST campus.

Ang ilang mga police personnel ay makikita sa kani-kanilang mga patrol cars sa palibot ng naturang unibersidad.

Ito na ang ikatlong linggo ng pagsusulit ng kumuha ng kursong abogasya.

Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Guillermo Elea­zar na nasa 434 pulis ang babakod sa UST tuwing araw ng Bar exams na gaganapin sa apat na sunod na linggo.  EUNICE C.

Comments are closed.