SWEDEN SINIBAK ANG DEFENDING CHAMPION US SA FIFA WOMEN’S WORLD CUP

football-1

TINALO ng Sweden ang US, 5-4, sa penalties upang sibakin ang defending champions sa FIFA Women’s World Cup noong Linggo.

Ito ang pinakamaagang pagkakasibak ng US, na pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng torneo na may apat na titulo.

Samantala, umabante ang Netherlands sa 2023 FIFA Women’s World Cup quarterfinals makaraang gapiin ang South Africa, 2-0, sa round of 16 noong Linggo.

Makakaharap ng 2019 finalists Netherlands ang Spain, habang sasagupain ng Sweden ang Japan sa quarterfinals.

Makakalaban ng 
England ang Nigeria, habang makakabangga ng Australia ang Denmark sa round of 16 sa Lunes.

Makakabangga ng Colombia ang Jamaica at makakasagupa ng France ang Morocco sa round of 16 sa Martes.

Gaganapin ang 2023 FIFA Women’s World Cup finals sa Aug. 20.