SWEDISH FIRMS INTERESADO SA PH INFRA PROGRAM

Ulf Wennblom

NAGPAHAYAG ng interes ang Swedish companies sa iba’t ibang infrastructure projects at iba pang industriya na lumalago sa bansa.

Ayon kay Ulf Wennblom, country manager ng Business Sweden sa Fi­lipinas, ang infrastructure spending ay lomolobo sa Filipinas sa likod ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte.

“Swedish suppliers that can offer equipment, solutions and services for critical applications will be able to find a good, profitable and high growth market for years to come in the Philippines,” wika ni Wennblom sa isang press briefing kahapon kung saan iprinisinta niya ang resulta ng survey ng Swedish business sa Fi­lipinas na isinagawa noong Enero 2018 at Enero 2019.

Tinukoy niya ang iba’t ibang oportunidad sa tatlong areas na kinabibila­ngan ng government, private sector sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP), at official development assistance (ODA)-funded projects.

“Airport projects, that’s one area that are of very much interested in with regards to building infrastructure. For example, construction equipment but for technology of the airports also, that’s innovative technologies to keep the airports safe,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Wennblom na interesado rin ang Swedish firms sa urban transport, partikular sa bus rapid transport at pagtatayo ng mga kalsada at tulay.

Bukod sa imprastraktura, binanggit din niya ang tatlong mahahalagang growth sectors sa bansa para paglagakan ng investment ng Sweden – ang manufacturing, retail and e-commerce, at information technology-business process management (IT-BPM).

Sa report na may titulong  “Philippines – Open for Business” at inilathala ng Business Sweden, sinabing ang manufacturing sector sa Filipinas ay inaasahang matatag na lalago sa mga darating na taon.

“It will be a priority investment area for both the public and private sector, given that it has higher employment, income and output multipliers compared to other industries,” ayon sa report.  PNA

Comments are closed.