IBINUHOS ng Mighty Sports-Creative Pacific ang kanilang lakas sa third quarter at kumarera sa 91-77 panalo laban sa last year’s runner-up Beirut Sports Club upang manguna sa kanilang group elims sa 31st Dubai International Basketball Championship noong Biyernes ng gabi sa Shabab Al Ahli Club sa United Arab Emirates.
Pinangunahan ni Fil-Am Mikey Williams ang atake ng koponan kung saan naitala niya ang 11 sa kanyang team-high 22 points sa kahanga-hangang 6-of-8 shooting sa three-point area upang tulungan ang Mighty Sports-Creative Pacific na tapusin ang Group B elims na may perfect 4-0 record.
Nasa kanyang pinakamatikas na paglalaro sa kasalukuyan, ang 6-foot-1 na si Williams ay nagbigay rin ng apat na assists at kumalawit ng kaparehong bilang ng rebounds.
Ang four-game sweep ay nagbigay rin sa koponan ng dagdag na motibasyon papasok sa knockout quarterfinals sa Huwebes.
Makakasagupa ng koponan ang No. 4 squad ng Group A.
Hindi na nasorpresa si coach Charles Tiu sa solid all-around performance ni Williams, at sinabing: “Mikee once again proved he’s a streak shooter. He caught fire when we need it badly. Another good win for us.”
Nagbuhos si Renaldo Balkman ng 20 points, 4 rebounds at 2 assists habang nag-ambag si Andray Blatched ng 12 points at 13 rebounds.
Iskor:
Mighty Sports-Creative (91) − Williams 22, Balkman 20, Moore 14, Blatche 12, Malonzo 10, Kendrick 6, Ravena 5, Go 2, Yeo 0, Ju. Gomez de Liano 0, Ildefonso 0, Belga
Beirut SC (77) −Johnson 30, Rustom 19, Hawkins 11, Mehzer 5, Chamoun 5, Ezzaddine 3, Aboud 2, Ziade 2, Abdel Masih 0
QS: 21-24, 36-37, 69-54, 91-77.
Comments are closed.