PASOK na ang defending NBA champions sa susunod na round ng playoffs.
Tinambakan ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 150-122, sa Game 4 upang makumpleto ang sweep ng kanilang Eastern Conference first round series noong Linggo sa Orlando (US time).
Makaraang maglaro si All-Star point guard Kyle Lowry sa loob lamang ng siyam na minuto matapos na mapihit ang kanyang ankle, ang Raptors ay nakakuha ng kontribusyon sa bawat player nito upang sibakin ang Nets.
Nanguna si Norman Powell na may 29 points mula sa bench, habang nagdagdag si Serge Ibaka ng 27 points at 15 rebounds. Ang Raptors bench ay umiskor ng 100 sa kanilang 150 points sa laro.
CELTICS 110, 76ERS 106
Nagbuhos si Kemba Walker ng 32 points sa isang personal playoff milestone nang pataubin ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers upang makumpleto ang 4-0 sweep at umabante Eastern Conference semifinals.
Nagdagdag si Jayson Tatum ng 28 points at 15 rebounds para sa Boston, na gumawa ng 12 unanswered points upang tapusin ang third quarter bago nalimitahan ang Philadelphia.
Makakasagupa ng Celtics sa susunod na round ang Raptors.
JAZZ 129, NUGGETS 127
Dinaig ni Donovan Mitchell si Jamal Murray, at kinuha ng Utah Jazz ang kontrol sa kanilang Western Conference first round series nang gapiin ang Denver Nuggets sa Game 4.
Tumabo si Mitchell ng 51 points — ang ikalawang pagkakataon sa series na umabot siya sa 50-point mark — at naipasok ang krusyal na three-pointer, wala nang isang minuto ang nalalabi, upang tulungan ang Jazz na manatili sa trangko.
Sa panalo ay tangan na ngayon ng Utah ang 3-1 lead sa best-of-seven series at lumapit sa pag-abante sa susunod na round.
MAVS 135, CLIPPERS
Naisalpak ni Luka Doncic ang isang improbable 3-pointer habang paubos ang oras, at nakumpleto ng Dallas Mavericks ang pagbangon mula sa 21-point deficit upang gulantangin ang Los Angeles Clippers sa overtime.
Kaduda-duda ang kalagayan matapos na ma-sprain ang kanyang ankle sa Game 3 noong Biyernes, ginawa ni Doncic ang lahat para sa Mavericks, kung saan nakalikom
siya ng 43 points, 17 rebounds at 13 assists bukod pa sa ilang clutch shots sa isang uperstar-turning performance upang tulungan ang Dallas na itabla ang kanilang Western Conference first-round series sa 2-2.
Comments are closed.