Standings
W L
San Beda 8 0
CSB 6 2
LPU 6 3
SSC-R 5 3
Letran 5 3
Mapua 3 5
JRU 3 6
Perpetual 3 6
Arellano 2 6
EAC 1 8
Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
12 noon – Letran vs CSB (Men)
2 p.m. – San Beda vs Mapua (Men)
4 p.m. – Arellano vs SSC-R (Men)
TARGET ng San Beda ang ika-9 na sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Mapua sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome.
Dalawang beses na nakansela dahil sa masamang panahon, sisikapin ng four-peat seeking Red Lions na manatiling walang talo at walisin ang first round sa kanilang 2 p.m. duel ng Cardinals.
Sa alas-12 ng tanghali ay puntirya ng College of Saint Benilde na maselyuhan ang No. 2 ranking sa first round sa pagsagupa sa Letran, habang tatangkain ng San Sebastian na manatili sa top four sa pagharap sa Arellano University sa alas-4 ng hapon.
Habang ang San Beda ay unti-unting lumalayo na may perfect 8-0 record, ang karera para sa ikalawa hanggang ika-apat na puwesto ay masyadong mahigpit.
Ang Blazers ay may 6-2 record, kalahating laro ang angat sa third-running Lyceum of the Philippines University, na may 6-3.
Tabla sa ika-apat na puwesto na may magkatulad na 5-3 kartada ang Stags at Knights, na umaasang matatapos ang first round sa pamamagitan ng panalo upang mapalakas ang kani-kanilang Final Four bids.
Ang mahabang pahinga ay maaaring makabuti sa Lions, lalo na’t sasalang sila sa mabigat na second round upang mapanatili ang pangunguna.
Magbabalik si coach TY Tang makaraang pagsilbihan ang kanyang one-game suspension noong nakaraang Biyernes, kung saan naibalik ng St. Benilde ang kanilang winning ways sa 74-66 pagbasura sa Jose Rizal University.
Comments are closed.