SWERTENG TIGRE SA 2022 (Ni KAYE NEBRE MARTIN)

Generally speaking, maswerte ang Tiger noong nagdaang taon. Masipag kasi siya kaya nagbunga ang lahat niyang paghihirap. Sa madaling sabi, hindi talaga ito swerte kundi bunga ng pagpupun­yagi.

Sa 2022, mara­ming pagbabago ang magaganap sa buhay ng mga isinilang sa year of the water tiger. Magiging maayos ang kanilang negosyo/pag-aaral pati na ang dating ng pera sa buong taon. Favorable din ito sa bagong pag-ibig at relasyon. Gayunman, dapat pa rin siyang mag-ipon dahil kailangan ito sa future.

Meron din namang Tiger na hindi suswertihin ngayong taong ito dahil na-offend ang God of Age, na magbibigay sa kanila ng kamalasan. Ngunit huwag mag-alala dahil kung susundin nila ang mga bagay na pampa­swerte at iiwan ang mga malas, maaayos din ang lahat.

Kayang makisama ng Tiger sa kahit na sino ngunit mas okay ang friendship o relasyon sa mga taong ang zodiac sign ay Dragon, Horse at Pig dahil magiging pangmatagalan ito.

Ang Tiger ay determinado, confident, mapagkakatiwalaan at prangka. Strong-willed din siya, at kapag ina­akala nilang tama ang kanilang ginagawa, ipag­lalaban niya ito. Kapag napagdesisyunan niya, hindi ito basta-basta mababago at hindi siya magsisisi kahit pa sumablay ang kanyang plano. Isinilang siyang may tiwala sa sarili kaya humahanga sa kanya ang maraming tao sa kanyang image of power and authority.

Bukod sa mga katangiang ito, sila ay highly competitive, self-confident, at matapang. Bilang spirit animal, ang ibig sabihin ng tiger ay pagkakaroon ng willpower, courage, and personal strength. Ang mga ipinanganak noong 1974 ay matatapang, malalakas at independent.

Oo, malakas, ngunit mayroon din siyang kahinaan. Hindi kasi siya umuurong sa laban kahit alam niyang talo na siya. Kailangan din niya ng kapangyarihan at dahil aggressive siya, mabilis siyang magdesisyon. Ang lakas ng Tiger ay pwede rin niyang maging weakness. Kadalasan, nadidismaya siya sa mga calculating styles kaya nagkakamali siya o kaya naman ay nakakagawa ng evasive techniques na umaatake sa kakayahan ng tiger.

Matalas ang me­morya ng mga Tigers dahil malaki ang utak nila, ngunit pusa pa rin sila – malambing kung malambing ka, ngunit mabangis kung maba­ngis ka rin.

Hindi sila talaga loyal. Hindi sila mahilig makipagkaibigan sa kahit na sino ngunit kapag nakipagrelasyon siya, iyon ay pangmatagalan.

Takot ang mga Tigers sa apoy – kaya nga ito ang ginagamit na taming method sa kanila. Ganoon din sa tao.  Hindi importante kung totoo itong apoy o simbolismo lamang.

Takot din sila sa mga tunog na hindi nila kilala. Ayaw din nilang nai-invade ang kanilang privacy kaya madalas na sinasabing ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Tiger ay obsessive-compulsive.

Ako ay isinilang noong May 15, 2010 sa Year of the Tiger, kaya more or less, alam ko ang sinasabi ko, at sana, nauunawaan na ninyo kung bakit ganito ang ugali ko. — SHANIA KATRINA MARTIN