ALBAY-NATAGPUAN at na-recover ng mga tauhan ng Philippine Navy – Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) ang nawawalang manlalangoy sa Albay Gulf kamakalawa ng hapon.
Sa report na ibinahagi ng Philippine Navy, kinilala ang nawawalang manlalangoy na si Francis Balacano, 16-anyos, residente ng Oro Site, Legazpi City, Albay.
Iniulat itong nawawala bandang alas-2 ng hapon matapos na mag-swimming kasama ang kanyang mga kaibigan sa Albay Gulf, sa Brgy. San Roque, Legazpi City, Albay subalit sinasabing inabot sila ng malalaking alon kaya tinangay sa malayo.
Agad namang nag-padala ng navy divers mula sa Naval Special Operations Unit 3 (NAVSOU3), drone, medical team, at ambulansya mula Naval Installation Facility–Southern Luzon (NIF-SL) Medical team at NAVFORSOL sa sinasabing lugar makaraang makatangap ng distress call.
Natagpuan ng search and rescue teams ang binatilyo sa karagatan bandang alas-3:00 ng hapon at agad isinugod sa ospital kung saan idineklara itong dead on arrival.
“PN medical team provided immediate medical attention to Mr. Balacano (unconscious) while being transferred to Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRRTH) at Legazpi City. After 21 minutes of resuscitation efforts, the doctors at BRRTH declared the patient Dead On Arrival,” ayon sa report. VERLIN RUIZ