SWIMMER OTOM TARGET ANG PARALYMPICS GOLD

PUNTIRYA ni Angel Mae Otom ang mismong gold medal sa women’s 50-meter backstroke S5 event ng Paris Paralympics sa La Defense Arena.

Nakatakda ang first heat ngayong Martes, alas-10:26 ng umaga (4:26 p.m., PH time).

“I’m going for the gold. If you can dream, why not the gold,” sabi ni Otom sa isang panayam kamakailan.

Si Otom ay lalangoy sa Lane 5, sa pagitan nina Chinese world No. 2 He Shenggao at Liu Yu.

Si Tokyo Paralympics champion Lu Dong, may hawak ng world at Paralympic record na 37.18 seconds, ang paborito sa second heat.

Ang top eight qualifiers ang uusad sa finals sa alas-6:34 ng gabi (12:34 a.m., Miyerkoles, PH time).

“I am very much prepared. I’ve been training with coach Tony (Ong) since February,” sabi ni Otom, nanalo ng 4 golds sa Cambodia Asean Para Games noong nakaraang taon.