PINASASAMA ng isang mambabatas sa K-12 curriculum bilang subject o asignatura ang swimming.
Sa House Bill 7476 o “Drowning Prevention Act na inihain ni Probinsyano Ako Party-List Representative Rudys Caesar Fariñas, pangunahing layunin nito na mabawasan ang mga insidente ng pagkalunod na nauuwi sa pagkamatay tuwing mayroong “natural calamities” o “recreation aquatic activities.”
Kabilang sa magiging swimming lessons ang water safety at safe rescue skills.
Oras na maisabatas, makakatuwang ng Department of Education (DEPED) ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paglalatag ng panuntunan kung anong antas ipatutupad ang kautusan. DWIZ