SWINE R3 CREDIT PROGRAM NG DA SA ISABELA IKINASA

SA pagbisita ni Agriculture Secretary William Dar sa Isabela ay pinangunahan nito ang Swine Repopulation, Rehabilitation and Recovery (Swine R3) credit program ng Department of Agriculture na dinaluhan ng mga mayors na mula sa 35 bayan at tatlong siyudad.

Kabilang din sa mga dumalo ang mga hog raiser, mga magsasaka at ilang mamamayan upang kanilang malaman ang iba pang mga programa ng pamunuan ng ahensiyas na ginanap sa Provincial Capitol, City of Ilagan, Isabela.

Layunin nito na matulungan ang gobyerno at kasiguraduhan ang patuloy na pagkakaroon ng supply ng baboy at pork products at ma-stabilize ang presyo nito sa merkado upang makontrol ang pagtaas ng halaga sa pagtutulungan ng DA, Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon kay Dar sa ilalim ng Swine R3 program, ang pamunuan ng DBP ang magpapautang sa mga kwalipikadong magsasaka para sa pagsisimula o pagtataguyod ng kanilang pag-aalaga ng baboy nang walang interes.

Naglaan ng P500 milyon ang ACPC sa pamamagitan ng DBP para sa naturang programa kung saan maaring makautang ang mga star-up commercial hog raiser mula P5 million hanggang P15 million.
IRENE V. GONZALES

Comments are closed.