(SWS survey shows) 71% NG PINOY PAYAG SA BAN VS. SINGLE-USE PLASTICS

Plastic

IPINAKITA sa huling Social Weather Stations (SWS) survey na 71% ng mga Filipino ang may gusto na ang single-use plastics ay maiban sa lahat ng oras.

Base sa resulta ng  survey na ipinakita ng SWS Deputy Director Vladimir Licudine ka­makailan, 71% ng mga tumugon ay gustong ma-regulate o mabawasan ang paggamit ng plastic sando bags.

Maliban sa sando bags, gusto rin nilang ma-regulate ang mga sumusunod na gamit: plastic straws and stirrers (66%); plastic ‘labo’ bags (65%); styrofoam food containers (64%); sachets (60%); tetrapack or doypack for juices (59%); plastic drinking cups (56%); cutlery like plastic spoon and fork (54%); plastic bottles for juice (49%); plastic bottles for water (41%).

Pero, gusto naman ang 10% na rumesponde na mataas ang presyo na ipapataw sa paggamit ng single-use plastics kaysa sa total ban.

Ipinakita rin sa survey results na anim sa 10 mga Filipino ang  payag na bumili ng kanilang food condiments sa recyclable at refillable containers kaysa sa sachets. Karamihan sa mga ito, 73% ay nasa Class E.

Dahil dito, nagdududa si Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) Philippines exe­cutive director Froilan Grate na ang mga hinala na ang paggamit ng sachet ay pro-poor.

“The results of the survey puts into question the common excuse from the big companies that sachets are pro-poor,” pahayag niya.

“Sachets and other single-use plastics are not pro-poor. People buy in sachets because an alternative distribution or packaging systems are not being made available by multinational companies,” dagdag niya.

Dagdag dito, apat sa 10 ang pumayag na dapat maghanap ang mga kompanya ng alternatibong materyal kapalit ng plastic.

Sinabi naman ni Patricia Nicdao, EcoWaste Coalition policy and advocacy officer, na kaila­

ngang-kailangan ng bansa ang batas na nagba-ban sa paggamit ng single-use plastics sa national level.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, ina­prubahan ng Quezon City government ang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng itinatapong plato, kutsara, tinidor at baso sa mga hotel at restaurant.

Noong Nobyembre naman ng nagdaang taon din, pinalitaw rin ni President Rodrigo Duterte ang ideya na ayon sa kanya ay mangangailangan ng le­gislative action.

Comments are closed.