SWS UNEMPLOYMENT SURVEY INALMAHAN

Labor Secretary Silvestre Bello III-7

HINDI kinonsidera ng Social Weather Stations (SWS) ang bilang ng mga qualified individual na pinili na huwag magtrabaho sa pinakahuling unemployment survey, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa survey na isinagawa noong Setyembre ay lumitaw na nasa 22 percent o 9.8 milyong Pinoy ang walang kayod.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang pamahalaan ay may sarili nitong official Labor Force Survey na isinagawa at ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa pinakahuling LFS noong Hulyo, 5.4 percent lamang ng populasyon ang walang trabaho.

Ang LFS ay kinabibilangan ng mga may edad 15, habang ang SWS ay 18 at pataas.

“‘Yung SWS nakaligtaan nila ‘yung mga tao na qualified pero hindi nagtatrabaho. May jobs available, ­people are qualified for the jobs but they opt not to work. Hindi mo puwedeng sabihin na unemployed ‘yan kasi it is their option,” ani Bello.

“These were not taken into account of SWS kasi iba ang kanilang category of unemployment,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, ang SWS survey data ay gagamitin pa rin, aniya, bilang basehan para sa employment programs ng DOLE.

Comments are closed.