NAUNGUSAN na si dating Senador Manny Villar bilang pinakamayamang Filipino, batay sa listahan ng Forbes magazine.
Nangunguna na ngayon at mahigit doble sa yaman ni Villar ang magkakapatid na Sy, mga tagapagmana ng yumaong retail tycoon na si Henry Sy.
Ayon sa Forbes magazine, mahigit sa $17 billion ang yaman ng magkakapatid na Sy, kumpara sa $6.6 billion ni Villar.
Nanatili sa ikatlong puwesto si John Gokongwei, Jr. na nasa $5.3 billion ang yaman, habang umakyat sa number 4 si Enrique Razon, Jr. na may $5.1 billion ang yaman.
Ang iba pang nasa top 10 na pinakamayaman sa Filipinas ay sina Jaime Zobel De Ayala ($3.7 B), Lucio Tan ($3.6 B), Tony Tan Caktiong ($3 B), Ramon Ang ($2.8-B), Ty siblings o mga anak ni George Ty ng Metrobank ($2.6 B) at Andrew Tan ($2.55 B).
Ayon sa Forbes, ang talaan ay tinipon gamit ang impormasyon mula sa mga indibidwal, stock exchange, analyst, private data-base, government agency at iba pang sources.
Comments are closed.