SYLVIA SANCHEZ OWNER NG SKIN AND BEYOND BEAUTY CLINIC AT BEAUTEDERM STORE

SYLVIA SANCHEZ

MALIBAN  sa abala si Sylvia Sanchez sa kanyang bagong tele­serye sa ABS-CBN  ay entra eksenatagumpay rin si Sylvia sa kanyang negosyong Skin & Beyond Beauty Clinic by Beautederm na ipinatayo niya sa kanyang hometown sa Butuan City.

Dahil malakas ang nasabing skin clinic ng mahusay na aktres na tinatangkilik ng kanyang mga kababayan ay nag-decide itong magbukas ng Beaute­Derm Store. Post pa ni Sylvia sa Facebook kung saan kasama niya sa photo ang iba’t ibang produkto ng BeauteDerm, “Seeing these products this morning got me excited to share the fact that I’ll be selling Beautederm in Roces, QC through a shop. Will keep you guys posted about the opening. Can’t wait to share these products with you guys. It really is the only one that works for me,” excited pang pahayag ni Ibyang (palayaw ng Kapamilya actress).

1ST PINAY MRS. HAWAII TRANSCONTINENTAL  MERANIE GADIANA RAHMAN LALABAN SA MRS. USA UNIVERSE 2019 

TUBONG Talisayan ang kilalang beauty titlist at professional model sa Honolulu Meranie Gadiana RahmanHawaii na si Meranie Gadiana Rahman, na kauna-unahang Pinay na nakoronahang Mrs. Hawaii Transcontinental 2019.   Also the first Filipina in Hawaii who will represent the aloha state as Mrs. Hawaii.

Pagkatapos grumad­weyt sa Liceo de Cagayan University (Cagayan de Oro) sa kursong Bachelor in Science in Hotel and Restaurant Management and Tourism, ay nagpunta ng Hawaii si Meranie kasama ang mapagmahal at very supportive husband na isang medical doctor. Sa Hawaii  natupad ang pa­ngarap ni Me­ranie na  maging  beauty queen sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang Filipino pageants, at nanalo ng iba’t ibang title gaya ng  Mrs. Oahu US 2018,  Ms. Terno Ball 2018, Ms. Filipiniana 2018 and Queen of Heart 2019 formerly Ms. Lady in Red, Mrs. Honolu-lu Hawaii 2019.

Ngayon ay hawak niya ang titulong Mrs. Hawaii Transcontinental at nakatakdang mag-compete sa Mrs. USA Universe Pageant na gaganapin sa McDonough, GA sa Saturday, August 3 sa Henry County Performing Arts Center.

“I will be competing for Mrs. USA Universe 2019 in Atlanta Georgia, the winner of which will compete at Mrs. Universe 2019, and  I’m very excited na for this.” Aba, kapag nanalo rito si Meranie ay matatawag na rin siyang Pinoy Pride.

MR. POGI, MULING MAPANONOOD SA 40th NG EAT BULAGA

MATAPOS kay Jericho Rosales na big star na ngayon at iba pang sumunod sa Mr. Pogikanyang winners sa “Mr. Pogi,  sino kaya sa mga tatanghaling  daily winner sa pagbabalik ng limited edition nito na  tatanghaling bagong Mr. Pogi ang magkakaroon ng chance na ma-penetrate ang showbiz at puwedeng sumikat na tulad ni Echo. Maliban sa taglay na kaguwapuhan ay dapat talented ka para mas malaki ang chance na masungkit ang titulo na magbabago sa iyong kapalaran.

Si dabarkads Alden Richards ay nagkainteres din pala sumali noon sa Mr. Pogi, kaso ayon pa sa Kapuso actor ay wala raw siyang pamasahe noong mga panahong iyon at gustuhin man niya ay hindi ito nangyari. Pero sa ibang paraan ay natupad pa rin nito ang kanyang pangarap na sumikat bilang artista,  host at singer.

Comments are closed.