ISANG Synchronized Dengue Clean-up Drive ang inilunsad ng Department of Health sa Kalakhang Maynila upang masawata ang dumaraming bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue.
Kabilang sa nasabing Dengue Clean-up Drive ang 17 lokal na pamahalaan ng Metro Manila, Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Higher Education (CHED).
Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang programa na ginanap sa Quezon City.
Sa ulat ng ahensiya, ang pinakabagong tala ng DOH Metro Manila Center for Health Development ay umabot na ng 11,123 dengue cases sa NCR hanggang August 10.
Ani Duque, lumampas na sa dengue alert threshold ang NCR na kung saan ay kinakailangan ng kumilos bilang pagtugon sa lumalalang kaso ng dengue sa bansa.
Nauna nang idineklara ng DOH ang National Dengue Epidemic sa bansa.
Gayundin, nagsasagawa na ang mga lokal na pamahalaan ng regular na paglilinis sa mga komunidad at eskuwelahan kung saan naglagay ng ovitraps sa mga public elementary school at spraying sa dengue hotspot areas.
Kasabay rin nito, hinikayat ni Duque ang publiko na makiisa sa paglilinis ng kapaligiran at alisin ang mga posibleng pamugaran ng mga kiti-kiti.
Comments are closed.