SYRIAN TIMBOG SA PEKENG PASAPORTE

Kiribati passport

NASABAT ng  mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Syrian national na pumasok sa bansa gamit ang pekeng Kiribati passport.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Al Naasan Ibrahim, 19-anyos,  na  dumating sa bansa sakay ng Malaysian Airlines galing sa Kuala Lumpur.

Ayon sa report ng isa sa immigrations Officer  na nakatalaga sa NAIA, dumating si Ibrahim sa terminal 1 nitong nakaraang Pe-brero 22,  at iprinisinta nito sa immigration officer on duty ang kanyang Kiribati passport.

At sa inisyal na imbestigasyon nagkaroon ng suspicion ang immigration officer, kung kaya’t sumailalim ito ng secondary in-spection, at dito inamin ang pagkatao niya na isa siyang Syrian national.

Nadiskubre ng immigration officer na itinago nito sa kanyang bagahe ang kanyang Syrian passport upang makalusot papuntang Sweden kung saan gina­gamit ng sindikato ang Maynila bilang jump off point patungong ibang bansa.

Ayon naman kay BI-NAIA 1 travel control and enforcement chief Glenn Ford Comia, inamin ni  brahim na binili niya ang kanyang Kiribati passport ng halagang US$5,000 mula sa sindikato na kung tawagin nila  ay Siem Reap sa Cambodia.

Dagdag pa ni Ibrahim na binili niya ito via internet sa isang Jordanian national na nagngangalang  Mohammed sa Cambodia maging ang kanyang Kiribati nationality identity card at certificate of nationality na ibinigay sa kanya ng sindikato.

Sa kasalukuyan ay  nakakulong si Ibrahim sa BI Detention facility sa Bicutan, Taguig City dahil sa pagla-bag ng immigration laws.    FROI MORALLOS

 

Comments are closed.