BUMABA ang rates ng Philippine Treasury bills (T-bills) subalit hindi na ito ikinagulat ng mga opisyal ng Bureau of the Treasury (BTr) matapos na ibaba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rates nito.
Ang average rate ng benchmark 91-day paper ay bumagsak sa 5.389 percent, ang 182-day sa 5.768 per-cent at ang 364-day sa 5.936 percent.
Ang mga ito ay nasa 5.438 percent, 5.825 percent at 5.977 percent para sa three-month, six-month at one-year paper, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa auction noong nakaraang Mayo 6.
“Rates are across-the-board lower than previous, about roughly five basis points, so it was a good turnout for the BTr,” wika ni Deputy Treasurer Erwin Sta. Ana matapos ang auction.
Inialok ng BTr ang shortest tenor paper para sa P4 billion at isinagawa ng auction committee ang full award dahil sa malaking demand, na umabot sa P19.85 billion.
Ang six-month paper ay fully awarded din sa P5 billion makaraang umabot ang tenders sa P15.788 bil-lion. PNA
Comments are closed.