T-WOLVES PINAPAK ANG NUGGETS

NAGBUHOS si Anthony Edwards ng 20 points at nagdagdag si D’Angelo Russell ng 18 points at 10 assists upang tulungan ang Minnesota na pataubin ang short-handed Denver, 128-98, nitong Linggo sa Minneapolis.

pat sa limang starters ng Minnesota ang umiskor ng double figures, kung saan sinamahan nina Jaden McDaniels at Rudy Gobert sina Edwards at Russell na may 14 at 16 points, ayon sa pagkakasunod.

Bumuslo ang Timberwolves ng 48 of 87 mula sa floor (55.2 percent) laban sa 34 of 71 (47.9 percent) lamang ng Nuggets.

Nanguna si Michael Porter Jr. para sa Nuggets na may 22 points, habang nag-ambag sina Christian Braun ng 19, Bruce Brown ng 16 at Ish Smith at Zeke Nnaji ng tig-10 points mula sa bench.

Knicks 108, 76ers 97

Umiskor si Evan Fournier, pinunan ang pagkawala ni RJ Barrett dahil sa karamdaman, ng season-high 17 points at nagsalpak ng tatlong key 3-pointers sa fourth quarter habang nakumpleto ng New York Knicks ang paghahabol mula sa 21-point first quarter deficit upang gapiin ang bisitang Philadelphia 76ers.

Nagsalansan si Julius Randle ng 24 points, 9 rebounds, at 7 assists para sa Knicks, na naitala ang kanilang pinakamalaking comeback win sa season at nanalo sa unang pagkakataon nang maghabol matapos ang tatlong quarters.

Kumubra si Jalen Brunson ng 21 points at 7 assists habang nagdagdag si Quentin Grimes ng 13 points. Umiskor si Miles McBride ng 14 points mula sa bench habang kumalawit si fellow reserve Isaiah Hartenstein ng 14 rebounds.

Nagposte sina Joel Embiid (31 points, 14 rebounds), Tobias Harris (14 points, 10 rebounds) at James Harden (12 points, 12 assists) ng double-doubles para sa 76ers, na naputol ang eight-game road winning streak. Tumipa si De’Anthony Melton ng 14 points, gumawa simTyrese Maxey ng 12 points at nagdagdag si P.J. Tucker ng 10.

Raptors 106, Grizzlies 103

Na-outscore ng Toronto ang Memphis, 28-17, sa fourth quarter rally para sa thrilling road victory.

Tumapos si Pascal Siakam na may 19 points, 6 rebounds at 5 assists. Nagdagdag si Scottie Barnes ng 16 points at 7 rebounds. Gumawa si Chris Boucher ng 13 points mula sa bench sa first half at nagtala ng double-double (17 points, 10 rebounds). Pito sa walong players na naglaro ang nagposte ng double figures para sa Toronto.

Nanguna si Desmond Bane para sa Memphis na may 26 points. Maagang nalagay si Jaren Jackson sa foul trouble ngunit tumapos na may 18 points, 8 rebounds at 4 blocks. Nagdagdag si Santi Aldama ng 15 points, pawang sa first half.