T-WOLVES WINALIS ANG SUNS; CLIPPERS TUMABLA SA MAVS

NAIPOSTE ni Anthony Edwards ang 31 sa kanyang 40 points sa second half at nakumpleto ng Minnesota Timberwolves ang four-game sweep sa host Phoenix Suns sa 122-116 panalo noong Linggo ng gabi sa kanilang NBA Western Conference first-round series.

Kumana si Edwards ng pitong 3-pointers at nakakolekta ng 9 rebounds at 6 assists para sa  third-seeded Timberwolves. Nagdagdag si Karl-Anthony Towns ng 28 points at 10 rebounds para sa Minnesota na nagwagi sa playoff series sa unang pagkakataon sa loob ng 20 taon.

Nag-ambag si Jaden McDaniels ng 18 points at kumabig si Mike Conley ng 10 points at 7 assists para sa Timberwolves, na makakaharap ang Denver Nuggets o Los Angeles Lakers sa  second round.

Umiskor si Devin Booker ng playoff-career-high 49 points para sa  sixth-seeded Suns. Naipasok ni Booker ang 13 sa 21 shots  mula sa floor at 20 sa 21 free-throw attempts.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 33 points sa 12-of-17 shooting para sa Phoenix. Nakalikom din siya ng 9 rebounds, 5 assists at 4 blocked shots.

Clippers 116,
Mavericks 111

Umiskor sina Paul George at James Harden ng tig-33 points at humabol ang Los Angeles Clippers matapos masayang ang 31-point lead upang maitakas ang road win kontra Dallas Mavericks sa Game 4 at maitabla ang kanilang Western Conference first-round playoff series.

Sinimulan ni Harden, kumamada ng 13 points sa krusyal na sandali, ang kanyang late-game flurry, may 4:39 ang nalalabi nang maibuslo niya ang una sa kanyang tatlong sunod na baskets sa paint na bumasag sa 98-98 pagtatabla.

Ang series, na tabla sa 2-2, ay babalik sa Los Angeles para sa Game 5 sa Miyerkoles.

“It was all-or-nothing for us,” sabi ni Harden. “(George) didn’t have a good game (in Game 3) so we wanted to come out and be aggressive and score the basketball, and that’s what he did.”

Tumapos si Luka Doncic na may 29 points, 10 rebounds at 10 assists sa pagkatalo. Umiskor si Irving ng game-high 40 points sa 14-of-25 shooting mula sa floor, kabilang ang 6-of-12 mula sa 3-point range. Ang iba pa sa Mavericks ay bumuslo

lamang ng  5-of-21 mula sa deep, kabilang ang  1-of-9 mula kay Doncic.

Pacers 126,
Bucks 113

Tumipa si Myles Turner ng  29 points at nagdagdag si Tyrese Haliburton ng 24 upang pangunahan ang Indiana Pacers sa panalo laban sa kulang sa taong Milwaukee Bucks sa Game 4 ng kanilang Eastern Conference first-round series sa Indianapolis.

Nagsalpak si Turner ng pitong 3-pointers para sa sixth-seeded Pacers, na bumuslo ng  51.2 percent mula sa arc at  51.7 percent overall upang kunin ang 3-1 lead sa kanilang  best-of-seven series. Nakatakda ang Game 5 sa Martes sa Milwaukee.

Nagtala si Milwaukee’s Brook Lopez ng  27 points at 9 rebounds at nagdagdag si Khris Middleton ng 25 markers at 10 boards.

Nag-ambag si Malik Beasley ng 20 points para sa third-seeded Bucks, na kulang sa tao dahil sa maagang ejection ni Bobby Portis bukod pa sa pagliban nina  injured stars Damian Lillard at two-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo.

Knicks 97,
76ers 92

Humataw si Jalen Brunson ng career playoff-high 47 points na sinamahan ng  10 assists nang pataubin ng New York Knicks ang host Philadelphia 76ers sa Game 4 ng Eastern Conference first-round series.

Nagtala si Brunson ng franchise playoff scoring record at naging unang player din sa franchise history na nagposte ng hindi bababa sa 30 points at  10 assists sa magkasunod na playoff games.

Abante ang Knicks sa series, 3-1, at ang Game 5 ay gaganapin sa Martes sa New York.

Nagdagdag si OG Anunoby ng 16 points at 14 rebounds, gumawa si Miles McBride ng 13 at kumalawit si Josh Hart ng 17 rebounds.

Nanguna si Joel Embiid para sa Philadelphia na may 27 points, 10 rebounds at 2 blocked shots. Umiskor si Tyrese Maxey ng 23 points, nag-ambag si Kelly Oubre Jr. ng 19 at kumabig si Tobias Harris ng 10.