TAAL NAKAPAGTALA NG 77 VOLCANIC EARTHQUAKES

Taal Volcano

BATANGAS – NAKAPAGTALA ng 77 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Sa volcano bulletin bandang alas-8:00 ng umaga, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology (Phjivolcs)  na indikasyon ito na mayroong magmatic acti­vity sa Taal na maaaring magdulot ng eruptive activity sa main crater.

Patuloy pa ring naglalabas ng puting usok ang bulkan na may taas na 50 hanggang 100 metro.

Nananatili pa rin sa Alert level 2 ang status ng Bulkang Taal. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “TAAL NAKAPAGTALA NG 77 VOLCANIC EARTHQUAKES”

Comments are closed.