Taal, dating kapitolyo ng Batangas, lupain ng lahi ni Datu Kumintang – ang pamana ng mga Natangueno sa Pilipinas at sa buong mundo.
Ipinangalan saTaal volcano at natatag noong 1572, itinalaga ag Taal na heritage town. Tahanan din ito ng ilang rebolusyunaryong bayaning Filipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, na kinabibilangan nina Don Felipe Agoncillo at ang kanyang asawang si Doña Marcela Marino Agoncillo, Doña Gliceria Marella de Villavicencio, at Gen. Ananias Diokno. Sa ngayon, ang mga ancestral homes ng nasabing mga bayani ay well-preserved upang ipaalala sa mga nakababatang henerasyon ang mga sakripisyo at ang kasaysayan.
Kilala ang Taal sa mga lumang ancestral houses, kung saan ag isang partikular na ancestral house ay ginawang museo. Dito lumaki si Marcela Coronel Mariño de Agoncillo, at ginawa ito noong 1770s ng kanyang mga lolo at lola na sina Don Andres Sauza Mariño at Doña Eugenia Diokno Mariño.
Ang mga kalapit na bayan sa Taal ay ang Lipa, Tanauan, Aconcillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Lemery, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Santa Teresita, at Talisay.
Kung maisipan ninyong bisitahin ito, huwag kalilimulang bisitahin ang Taal Heritage Village, Basilica of St. Martin de Tours, Casa Villavicencio, Villa Tortuga Colonial Experience, at ang Shrine of Our Lady Of Caysasay.
Taal Volcano ang isa sa pinakasikat na tourist spot sa Taal. Ito ang pinakamaliit na active volcano sa buong mundo.
Hindi maipaliwanag ang kakaiba nitong hugis at lokasyon sa ilang nasa gitna ng isang lawa na nasa loob rin ng isa pang isla, kaya kakaiba ito bilang isang geologic wonder, na humahatak ng libo-libong turista at geologists taon-taon.
Mula sa Maynila ay may layo itong 115 kilometers, at tatlong oras ang biyahe kung sasakay sa bus. Magkaiba ang Taal Volcano at ang bayan ng Taal. Ang dating bayan ay nasa tabi lamang ng lawa ngunit dahil sa pagputok ng bulkan noong 17th century, ang dating bayan ay natabunan at naging bahagi ng lawa. Dahil dito, ang bayan ay nalipat ng lokasyon kung saan ito nakatayo ngayon.
Sa pagbisita sa nasabing bayan, makikita kung paanong nagsama ang luxury ng Spanish Colonialism at kulturang Filipino pati na ang kanilang creativity.
Simulan sa madaling araw ang inyong paglalakbay upang doon na makapag-almusal. Unang puntahan ang palengke upang kumain ng lumpiang sariwa, kapeng barako, gatas ng kalabaw at puto pao.
Matapos mag-almusal, tunguhin ang Basilica de San Martin de Tours, ang pinakamalaking simbahan sa buong Southeast Asia. Napakalaki nito kumpara sa lahat ng simbahang napuntahan na ninyo.
Simula pa lamang ito ng paglalakbay sa makalumang bayan ng Taal na katatagpuan ng mga harwood furniture at napakagagandang simbahan.
Katabi ng Basilica ag tinatawag na Casa San Martin. Matatagpuan dito ang mga kahoy na rebulto at furnitures. Parag museo ang sala, at sa loob naman ay ang mga silid kung saan nanirahan ang mga paring Kastila at ang kanilang mga tagapaglingkod noong unang panahon. May isang silid-tulugan dito, kung saan makikita ang napakagandang kama, may sariling living room at may library pa. tinatawag itong Escuela Pia.
Dapat ding bisitahin ang Casa Real, ang Municipal Town Hall ng Taal. Bukod sa maalamat na kasaysayan ni Datu Kumintang at ng kanyang anak na si Prinsesa Laarni, ang Taal ay tahanan din ng mga Filipino na nagtanggol sa kalayaan laban sa mga Kastila. Isa sa mga ito ay ang abugadong nag-aral sa Ateneo de Manila University at University of Santo Tomas na si Felipe Agoncillo. Kinikilala siya bilang kauna-unahang Filipino Diplomat na nag-lobby sa Europe at America para sa kalayaan ng Pilipinas.
Matatagpuan sa kahabaan ng Marcela Marino Agoncillo St ang napakaraming lumang mansion, kung saan kasama ang Ylagan-Baron House na katatagpuan ng Galleria Taal (Camera House). Naroon ang koleksyon ng mga lumang camera na inipon ni Manny Inumerablemula sa iba’t ibang panig mundo sa kanyang paglalakbay.
Huwag kalilimutan ang bahay na bato ni Don Leon Apacible. Ito ang kanyang Ancestral House at isa rin siya sa mga prominenteng tao sa panahon ng rebolusyon. Si Don Leon ay ang abugadong nagsilbing Finance Officer noong panahon ng panunungkulan ni Gen.Emilio Aguinaldo.
Mayroon nga palang isang kapehan sa Agoncillo Street na ipinangalan sa painting ni Juan Luna, ang Tampuhan. Isa rin itong gallery, at dito mo matitikman ang orihinal na kapeng barako.
Huli sa listahan ang mansion ni Marcela Agoncillo. Kilala si Marcela Agoncillo sa pagtahi ng bandila ng Pilipinas sa Hong Kong. Ibinigay ng kanyang mga anak ang nasabing mansion sa gobyerno dajil hindi nila ito mapapangalagaan.
Ni isa sa kanila ay walang nag-asawa kaya wala silang tagapagmana.
Napakarami pang lugar na dapat puntahan sa Taal, ngunit kulang ang espasyo para dito. Marahil, sa susunod, tatalakayin natin ang trade mark ng mga Batangueno na balisong at barong tagalog, gayundin ang kasaysayan ni Datu Kumintang.
Bago ng apala umuwi, huwag kalilimutang bumili ng tapang taal at adobong dilaw. Tatalakayin rin atin ito sa ibang araw. Hanggang sa muli. NLVN