TAAL VOLCANO MULING NAGBUGA NG USOK

Taal Volcano

BATANGAS-MU­LING nag-panic ang ilang residente na naninirahan malapit sa volcano island nang magkaroon ng ‘mo­derate steaming’ o pagbuga ng usok ang Taal Volcano, kamakalawa ng gabi.
Nagdulot ito ng takot kaya magdamag na nagmo-monitor ang mga residente at lokal na pamahalaan ng Agoncillo, Batangas, kasunod ng namataang moderate steaming ng bulkan na umaabot sa 200 hanggang 300 metro ang taas.
Base naman sa evacuation plan ng San Nicolas, nasa munisipyo ang mga rescue vehicle habang dadalhin sa mga bayan ng Bauan, San Pascual at Batangas City ang mga lilikas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nagkaroon ng bahagyang pag-angat ng magma na naging sanhi ng muling pagbuga ng usok ng bulkan.
“Aktibo pa ‘yung pagpapakulo ng tubig. Mainit ‘yung magma na umakyat at ‘yong tubig sa lawa ay pu-mapasok muli riyan sa volcano island. Nasisipsip paloob,” paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum.
Tiniyak naman ni Solidum na nananati­ling nasa alert level 2 ang Bulkang Taal
Samantala, nakadeklarang nasa state of calamity ang buong Region 4-A. Tatagal ang state of calamity ng isang taon maliban na lamang kung babawiin na ng pamahalaan.
Kaugnay nito ay inatasan din ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular si Maj. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos na siguruhin na maayos na maipatutupad ang peace and order sa Calabarzon. VERLIN RUIZ

One thought on “TAAL VOLCANO MULING NAGBUGA NG USOK”

Comments are closed.