INIULAT Ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala ng mahinang pagsabog sa Taal Volcano sa Batangas province ngayong kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, naganap ang nasabing pagsabog dakong alas 5:58 ng umaga na nagbuga ang Taal Volcano ng 2800-meter grayish plume.
Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan sa kabila nito na nangangahulugang mayroon itong “mababang antas ng kaguluhan.”
Nakapagtala rin ng dalawang pagyanig na tumagal ng apat na minuto ang Bulkang Taal.
Nagbuga rin ito ng katamtamang 600 metrong taas na abo, na hinangin sa timog-kanluran. Noong Nobyembre 30, naglabas din ito ng 7,216 tonelada ng sulfur dioxide flux.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS na maaaring mangyari ang mga panganib tulad ng steam-driven o phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
EVELYN GARCIA