(Taal Volcano namamaga) BAHAGI NG ISLA LUMUBOG

Phivolcs Director Renato Solidum

NAGBAGO na ang landscape ng Taal Volcano Island dahil sa patuloy na pagaalboroto ng bulkan.

Inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)  Undersecretary Renato Solidum na  ang bahagi ng northeastern  ng Taal Volcano Island ay lumubog  habang magang-maga na ang  bulkan.

“’Yung island medyo tumagilid nang kaunti habang itinutulak, lubog ‘yung ibang portions ng northeastern, malapit na po sa tubig, baka ‘yung bahay mismo nasa tubig na,”  pahayag ni Solidum sa isang press conference.

Idinagdag nito na para umanong naitulak ang isla  habang umaak­yat ang panibagong batch ng magma. Habang ang southern edge ng Taal Lake  na nakaumbok ay nakakaroon ng mga bitak.

Ayon naman kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction chief Mariton Bornas,  ang palibot  na lupa ng Taal Volcano ay  namamaga  na.

Sa kabila ng  itinala­gang permanent danger zone, ilang mga residente ang nanatili sa Taal Volcano Island.

Libo-libong residente  mula sa isla  na nasa loob ng 14-kilometer radius mula sa main crater,  kasama ang Pansipit River  ay pinalilikas na  dahil mapanganib para sa kanila  kapag  naging ganap ang pagsabog ng bulkan na maaring lumikha ng  volcanic tsunami.

Nananatili sa Alert  Level 4  ang Taal Volcano  dahil sa patuloy na paglalabas nito ng  sulfur dioxide at patuloy na pagyanig.

One thought on “(Taal Volcano namamaga) BAHAGI NG ISLA LUMUBOG”

  1. 243346 491094Id should verify with you here. Which isnt one thing I often do! I get pleasure from reading a put up that will make individuals think. Additionally, thanks for allowing me to comment! 141637

Comments are closed.