NAGBABALA kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibilidad na magkaroon ng panibagong pagsabog sa Taal Volcano sa Batangas, kahalintulad ng naganap na pagputok noong nakalipas na taon na nakaapekto sa libo libong tao.
Inihayag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na nitong huling 24 oras , nakapagtala ang kanilang surian 69 pagyanig sanhi ng “hydrothermal activity,” bunsod ng gas mula magma o molten rocks na nagpapainit ng tubig sa ilalim ng Taal Volcano Island.
Magugunitang nitong Lunes muling nagsagawa ng force evacuation ang mga awtoridad sa may 60 pamilya na muling pumasok at nanirahan sa tinaguriang no man’s land o permanent danger zone.
Nabatid pa kay Solidum na maapektuhan ng pag putok ang volcano island.
“Iyong tubig na iyan at iyong steam o gas ay kumikilos kaya maraming paglindol. Ito rin po ang nagdudulot ng pagpapainit sa Taal main crater lake at sa pagiging mas acidic nito,” paliwanag pa ng opisyal sa isinagawang public briefing.
“Ito po iyong ating tinitingnan, tumataas po ang posibilidad na magkaroon ng phreatic eruption or explosion tulad po noong nangyari noong initial part ng Jan. 12, 2020 activity ng Taal Volcano. Ito pong ganitong pangamba ay makakaapekto lamang sa kasalukuyan doon sa volcano island mismo.”dagdag pa nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.