NAGPALABAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng circular kaugnay sa automatic fare adjustment system para sa public utility vehicles (PUVs).
Sa Memorandum Circular No. 2019-035 na nilagdaan ng LTFRB noong Hulyo 26 ay itinatakda ang auto-matic fare adjustment formula, na magsisilbing standard para sa pag-aadjust ng regulator sa pasahe sa PUVs.
Ang mga salik na ikokonsidera sa fare formula ay ang mga sumusunod: official report ng Department of Energy (DOE) sa pre-syo ng petrolyo; total operating at maintenance costs base sa surveys, studies, at investigation na isinagawa ng LTFRB sa operators, drivers, at industries sa land transportation service; at base fare o ang umiiral na rate bago ipinatupad ng LTFRB ang adjustments.
Sakop ng fare formula ang lahat ng public utility jeepneys, buses, taxis, at UV Express units.
“Once established, a fare matrix will be prepared by the LTFRB. The fare adjustment shall become ef-fective 10 days from publication in a journal newspaper of general circulation and posting in the LTFRB website and bulletin board in the LTFRB office,” nakasaad sa circular.
Comments are closed.