INAASAHANG tataas ang presyo ng gasolina habang bahagyang bababa ang presyo ng kada litro ng diesel sa susunod na linggo, ayon sa independent oil player Jetti Petroleum Inc.
Sa kanilang pagtaya, sinabi ng Jetti na ang presyo ng gasolina ay magkakaroon ng P0.84 kada litro na pagtaas, samantalang ang presyo ng diesel ay maaaring matapyasan ng P0.06 kada litro.
Ang tinatayang price adjustment sa susunod na linggo ay nagpapakita sa galaw sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa foreign exchange trading mula Marso 4 hanggang Marso 7.
Ginagamit ng Filipinas ang MOPS bilang benchmark para sa local fuel products. Ang MOPS ay ang daily average ng lahat ng trading transactions ng diesel at gasolina sa pagtaya at pag- summarize ng Standard and Poor’s Platts, isang Singapore-based market wire service.
Ang mga lokal na kompanya ng langis ay karaniwang nagpapatupad ng fuel price adjustments tuwing Martes ng linggo.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng diesel ay naglalaro sa P41.40 hanggang P46.13 kada litro, habang ang gasolina ay nasa P48.99 hanggang P57.71 kada litro.