TAAS-BUWIS SA IMPORTED CEMENT

CEMENT IMPORTERS

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang kongresista ang dagdag na buwis sa imported cement.

Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin, direktang apektado ng taas-buwis sa imported cement ang mga consumer.

Tinututulan ng kongresista ang isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na P8.40 na dagdag na buwis sa kada sako ng imported cement.

Paliwanag ni Garbin, naiintindihan niya ang pagbibigay proteksiyon ng DTI sa mga local cement manufacturer pero dahil sa proyekto ng pamahalaan tulad sa ‘Build, Build, Build’ program ay hindi kinakaya ng local cement manufacturers at suppliers ang demand sa suplay.

Aniya, ang agad na pagtaas ng ­presyo ng imported cement sa P225 mula sa P205 ay hindi lamang makaaapekto sa mga major construction firm dahil tiyak na ipapasa rin ito sa publiko.

Bukod sa ‘BBB’ projects, maaapektuhan din, aniya, ang socialized housing project ng gobyerno at siguradong papasa-nin ng mga benepisyaryo ang additional cost sa mga proyektong pabahay.  CONDE BATAC

Comments are closed.