MULA nang mag-take over ang Grab sa Uber, tumaas na ang presyo ng pasahe sabay bagsak naman ang serbisyo pahayag ng antitrust watchdog ng bansa kamakailan.
Sinabi ng Philippine Competition Commission na nagkaroon ng tinatawag na “substantial lessening of competition” base sa survey na kinomisyon bilang bahagi ng merger.
“Post-transaction prices of Grab indicate that prices are increasing, while quality of service is deteriorating, to the detriment of the riding public,” pahayag ng PCC.
Sinabi ng PCC, na nagpapatakbo ngayon ang Grab ng 93 porsiyento ng sasakyan na may ride-sharing platforms.
Comments are closed.