UMAPELA na rin ng dagdag sa pasahe ang mga operator at driver ng city at provincial buses dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Hiniling ng mga bus operator sa Metro Manila ang dagdag na piso sa unang limang kilometro para sa mga ordinary bus habang P1.20 naman para sa aircon buses.
Ang mga provincial bus operator naman ay umapela ng P0.14 dagdag sa pasahe para sa ordinary bus at P0.16 hanggang P0.22 para sa mga air conditioned bus.
Nauna nang inihirit ang P9.00 hanggang P12.00 na dagdag sa minimum fare ang mga jeepney operator habang P2.00 naman ang sa UV express.
Subalit ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, malabo pang mapagbigyan ang hirit ng Alliance for Concerned Transport Organization (ACTO) na P12.00 taas pasahe sa jeepney. DWIZ882
Comments are closed.