TAAS PASAHE SA LRT

LRT

IGINIIT ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 o LRT-1 ang dagdag-pasahe matapos ang magkakasunod na fare hike pe­tition ng transport sector.

Subalit layunin ng hinihiling nilang taas-pasahe na makatulong na mapondohan  ang pagpapahaba ng kanilang linya hanggang sa Bacoor City sa Cavite.

Ayon sa Light Rail Manila Corp.,  mangangailangan sila ng P30 bilyon para sa nakalatag na LRT-1 line extension. Target ng LRT-1 na dugtungan ang kanilang linya mula sa Baclaran hanggang sa Cavite.

Paliwanag ng LRMC, tiyak na makauutang sila sa mga bangko para pondohan ang proyekto dahil magtitiwala ang mga ito na makakapagbayad ang LRT operator dahil sa pagtaas ng pasahe.

Nauna nang humiling ang LRMC ng P5 dagdag-singil sa kanilang pasahe.

Kapag natuloy ang proyekto, may distansiya nang 33 kilometro ang biyahe ng LRT mula Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Barangay Niog sa Bacoor City.

Tatagal na rin ng hanggang 30 minuto na lang ang biyahe mula Baclaran hanggang sa Bacoor, samantalang 15 minuto sa Sucat, Paranaque City at 20 minuto sa Las Piñas City. VERLIN RUIZ

Comments are closed.