TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

OIL PRICE HIKE-2

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P2.50 hanggang P2.60, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng magkaroon ng dagdag na P0.50 hanggang 0.60 kada litro.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may price increase sa mga produktong petrolyo.

Noong nakaraang Martes, Enero 14, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P2.15 habang ang diesel ay P4.30.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Ayon sa Department of Energy, hanggang Hunyo 14, ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P28.70, diesel ng P41.15, at kerosene ng P37.95.