NAKAAMBA ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng ‘big time’ oil price na ipinatupad noong nakaraang Martes.
Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng diesel ay tataas mula P0.35 hanggang P0.45 kada litro.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahan namang magkakaroon ng dagdag na P0.20 hanggang P0.30 kada litro.
May P0.50 hanggang P0.60 taas-presyo rin sa kada litro ng kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustmens tuwing Lunes na ipina-tutupad kinabukasan.
Comments are closed.