TAAS-PRESYO NG BILIHIN NAKAAMBA DAHIL SA EXCISE TAX

BILIHIN

MAY dagdag na pagtataas ng presyo ng mga bilihin bunga ng ikalawang bugso ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang babala ng Philippine Amalgamated Supermarket Association (PASA).

Ayon kay Steven Cua, pangulo  ng PASA, ang pagdidikta ng presyo ng mga  bilihin  ay  desisyon ng  mga manufacturer.

Kung nais umanong ­ipasa sa mga mamimili ang mga buwis na kanilang bi­nabayaran ay maari  itong gawin ng mga manufacturer.

Ang pahayag ni Cua ay  kasunod ng pakiusap ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang manufacturers na magbaba ng presyo ng kanilang  mga produkto.

Sa panibagong fuel excise tax ay madaragdagan ng P2 ang bawat litro ng diesel at gasoline samantalang piso  naman sa kerosene at sa LPG.

Samantala, inaasahan na ng DTI  na tataas pa ang pres­yo ng sardinas na kabilang sa mga pangunahing bilihin.

Inaasahan din ang pagtaas pa ng gastusin ng mga ma­ngingisda dahil sa excise tax.   AIMEE ANOC

Comments are closed.