TAAS-PRESYO NG ISDA, PRUTAS AT GULAY DAHIL SA KAKULANGAN NG SUPLAY

ISDA-GULAY

DAHIL sa kakulangan ng suplay sa merkado, bahagyang tumaas sa pamilihan ng  0.3 porsiyento ang halaga ng isda, prutas at gulay, ayon kay Finance Undersecretary at Chief Economist Gil Beltran.

Aniya, kailangang panatilihin ang sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke para mapanatili ang maayos na presyo ng mga ito.

Inihalimbawa ng opisyal ang pagbaba sa presyo ng mais, bigas at asukal makaraang dumami ang suplay ng mga ito sa mga palengke na nagresulta sa mabilis na pagbaba sa presyo.

Hinikayat din ng opisyal ang Bureau of Customs (BOC) na ayusin ang kanilang sistema para mapabilis ang pagpasok sa bansa ng ilang imported food items na magreresulta rin sa pagbaba ng pres­yo ng mga ito sa merkado.

Comments are closed.