KINUMPIRMA ng ilang kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magkakaroon sila ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Biyernes, Pebrero 1.
Ayon sa Petron, P3.88 ang kanilang taas-presyo sa kada kilo ng LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi.
Magpapatupad din ang Petron ng P2.17 taas-presyo sa kada litro ng autoLPG.
Nasa P3.41 naman ang dagdag ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG simula alas-6 ng umaga.
Comments are closed.