TAAS-PRESYO SA DIESEL AT KEROSENE

DIESEL-5

NAG-ABISO ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene simula ngayong araw ng Martes, Disyembre 17.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, PTT Philippines, Petron, Phoenix Petroleum, Total, at Flying V, magkakaroon ng P0.40 taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron at Flying V ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Magpapatupad naman sa Miyerkoles, Disyembre 18, ang Cleanfuel ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng diesel.