PINAYAGAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas sa presyo ng ilang basic goods tulad ng gatas, sardinas, canned meat, at instant noodles.
“Eto pa ‘yung naiwan noong inflation na pinakiusapan pa natin ang mga manufacturer na mag-hold ng kanilang price increases, ‘yung mga pinagbigyan natin noon hinati-hati lang natin ‘yung kanilang increases,” pahayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.
Ayon sa DTI, tataas ng 3 hanggang 5 porsiyento o P0.25 hanggang P1.00 ang presyo ng ilang brand ng gatas, sardinas, canned meat at instant noodles.
Samantala, sinabi ng ahensiya na pinakikiusapan nila ang mga manufacturer na huwag na munang magtaas ng presyo sa Noche Buena products ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
May ilang manufacturers ang humihirit sa DTI ng price hike sa hamon, spaghetti, tomato sauce, elbow macaroni, creamer, sandwich spread, mayonnaise, at fruit cocktail dahil umano sa pagtaas ng production cost.
Ayon kay Castelo, nakusap na ng DTI ang manufacturers ng hamon na humiling ng dagdag-presyo at mukha naman aniyang bukas ang mga ito sa panawagan ng gobyerno.
Comments are closed.