TAAS-PRESYO SA LPG; ROLBAK SA PETROLYO

LPG

INAASAHAN ang big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes habang nakaamba naman ang pagsipa ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Mayo.

Sa source sa Department of Energy (DOE), nasa P1.70 hanggang P1.90 kada litro ang tinatayang bawas-presyo sa diesel, habang nasa  P1.90 hanggang P2.10 naman ang sa kerosene. Ang gasolina ay inaasahang may P0.30 hanggang P0.40 kada litro na rolbak.

Ito na ang ika-2 sunod na linggo na may tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Samantala, nasa P3 hanggang P5 ang tinatayang itataas ng kada kilo ng LPG o katumbas ng P33 hanggang P55 dagdag-presyo sa isang tangke na naglalaman ng 11 kilo.

Ang adjustment ay epektibo sa Mayo 1.

Comments are closed.